GENERAL SANTOS CITY- PATAY na nang matagpuan ang isang Grade 2 na batang babae na nakasilid sa sako matapos umanong pagsamantalahan ng hindi pa nakikilalang suspek sa lalawigang ito.
Sa report ng pulisya, ang biktima ay nakilalang si Princess, nakatira sa Purok 9, Barangay Conel, General Santos City.
Nabatid sa General Santos City Police, noong nakalipas na araw ng Linggo ay nagreport ang mga magulang ng biktima na nawawala ito.
Makaraan ang tatlong araw, natagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na lugar ilang metro ang layo sa kanilang bahay.
Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nasabing lugar, nakita ang walang saplot na bangkay ng bata sa loob ng sako na posibleng ginahasa muna bago pinatay sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang damit na nakapulupot pa sa leeg ng bata.
Narekober rin ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang mga damit at kutsilyo na posibleng pagmamay-ari ng suspek.
Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ngmga awtoridad kasabay ng pagkalap ng mga impormasyon na posibleng makatulong sa paglutas ng naturang kaso.
EVELYN GARCIA