ISABELA – MAITUTURING na sarado na ang kasong pagpatay sa isang head teacher matapos na aniya na umamin ang binatilyo sa krimen sa Barangay Camarungayan, Aurora.
Ayon kay Chief Insp. Villamor Andaya, hepe ng Aurora Police Station, napag-alaman nila na mahilig manood ng crime and investigation series ang 17-anyos na nakapatay sa head teacher ng kanilang eskuwelahan.
Ang binatilyong suspek ay itinago sa pangalang Frank, at residente ng Aurora habang ang biktima ay si Bobby Galiza, head teacher ng Doña Aurora National High School at residente ng Camarunggayan, Aurora.
Magugunitang natagpuang patay dakong alas-6:00 ng gabi noong Enero 13 sa labas ng kanilang bahay na maraming saksak sa katawan ang biktima.
Sinabi Sr. Insp. Villamor Andaya, hepe ng Aurora Police Station na alam umano ng binatilyo ang kanyang krimen at inamin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) matapos ituro ng Grade 10 student na kasama nilang pumasok sa bahay ng guro para sana pagnakawan. IRENE GONZALES
Comments are closed.