GRADE 7 NALUNOD SA ILOG

DROWNING

MALABON CITY – PATAY ang 13-anyos na batang lalaki matapos malunod makaraang tumalon sa ilog nang tuksuhin ng kanyang mga kaibigan sa lungsod na ito.

Dead on arrival sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Onie Bontigao ng 650 Rosita St., Brgy. Santulan matapos isugod ng mga tauhan ng Malabon Rescue Team.

Ayon sa ulat, unang nagtungo ang biktima at kanyang mga kaibigan sa ilog sa likod ng Dampalit Cockpit Arena sa Brgy. Dampalit para maligo.

Nang magsimula nang tumalon sa ilog ang kanyang mga kaibigan, naiwan ang biktima kaya biniro ito ng mga kasamang bata at sinabihang huwag umanong matakot.

Para patunayan na hindi ito takot, tumalon ang biktima sa ilog subalit, hindi na ito lumutang na naging dahilan upang sisirin ito sa ilalim ng kanyang mga kaibigan.

Nang hindi matagpuan ang biktima ng kanyang mga kaibigan, humingi na ang mga ito ng tulong sa mga magulang nito at sa Malabon Rescue Team na agad nagsagawa ng retrieval operation hanggang sa maiahon ang katawan ni Bontigao dakong 1:00 ng hapon. EVELYN GARCIA