LEYTE – MASAKLAP ang sinapit ng isang Grade 7 student nang masawi ito makaraang tamaan ng kidlat sa bayan ng Bato.
Ayon sa kanyang guro, nakatayo malapit sa isang puno sa hardin ng paaralan ang biktimang si Richard Nabor nang tamaan ng kidlat.
Natagpuan na lamang ang 13-anyos na biktima na nakahiga sa sahig.
Dahil dito, nagbabala ang awtoridad sa mga residente na manatili muna sa kani-kanilang bahay dahil sa umiiral na thunderstorm sa lugar. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.