NANAWAGAN ang grupo ng mga guro na dahil high tech na o digital class ang umiiral, dapat nang sumabay sa new normal ang pamamaraan sa pagbibigay ng grado sa mga estudyante.
Sa pahayag ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary General Raymond Basillo, hindi angkop ang lumang grading system ng Department of Education sa kasalukuyang long distance teaching.
Aniya, dahil limitado na ang interaction ng mga guro at mag-aaral at hindi kagaya ng tradisyonal na pagtuturo, nararapat ding mag-adjust sa pagbibigay ng grade kasabay rin ng pagbabago sa pamamaraan para maging epektibo ang pagtuturo gamit ang electronic device.
Kabilang sa ikinokonsiderang baguhin ang pagbibigay ng points sa attendance o kaya naman sa “get up” o nakagawiang complete uniform ng mag-aaral na ayon sa ACT ay hindi na kailangan dahil nakaharap na lamang sa electronic device gaya ng laptop, tablet o cellphone ang mag-aaral.
Kung hindi anila makasabay sa new normal ang grading system, nangangamba silang pumalpak ang old sytem sa new normal type of education.
Umaasa ang ACT na maikokonsidera ng pamahalaan lalo na ng DepEd ang kanilang apela bago ang class opening sa Oktubre 5.
Dagdag pa ni Basillo, bukod sa grading system, dapat ding i-adust ang technique sa pagtuturo para matiyak na matututo ang mga estudyante. EC
427154 873090Wow! This could be one certain with the most valuable blogs Weve ever arrive across on this topic. Basically Outstanding. Im also an expert in this subject therefore I can understand your effort. 821207
652658 680559I dont generally comment but I gotta say thankyou for the post on this amazing 1 : D. 20698
165799 804786Having read this I thought it was extremely informative. I appreciate you taking the time and effort to put this write-up together. I once once again uncover myself spending way to much time both reading and commenting. But so what, it was nonetheless worth it! 590613