GRAFT CHARGES VS EX-PNP CHIEF ALBAYALDE IBINASURA

NAKAHINGA ng maluwag si dating Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Oscar Albayalde makaraang ibasura ng Department of Justice ang kinakaharap nitong kasong katiwalian.

Sinabi ni Albayalde na lubos na ang pagtanaw niya ng utang na loob sa mga taong nananatiling sumuporta sa kanya sa panahon ng pagsubok.

“On behalf of my family, I would like to extend my gratitude to all the people who have supported us through these trying times,” ani Albayalde.

Inalala rin ng retiradong heneral ang naranasang sakit at kahihiyan ng kanyang mga anak dahil sa mga maling akusasyon.

Ang hatol ng Department of Justice at ng Office of the Ombudsman ay patunay na walang basehan ang naging pag-atake sa kanya.

Aniya, sa umpisa pa lang ay tiwala na ito sa justice system at nagpapasalamat dahil lumitaw din ang katotohanan. EUNICE CELARIO