IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief General Dionardo Carlos sa Manila Police District na laliman pa ang imbestigasyon sa naganap na paghahagis ng granada sa Manila Arena sa Sta Ana ng nasabing lungsod.
Mismong si Carlos ang naglabas ng direktiba na imbestigahan ang insidente para mapanagot ang salarin.
Ani Carlos, posibleng may kaugnayan ang insidente sa mga naiulat na nawawalang mga sabungero ang ginawang paghahagis ng riding in tandem suspects ng granada sa entrance gate ng nasabing cock fighting .
“Something is suspicious about a series of untoward incidents happening in cockfighting arenas. Aside from the grenade, our police are also looking into the disappearance of several individuals who were last seen in arenas,” pahayag ni PNP Chief Gen. Carlos.
Nabatid na may 20 sabungero na ang inulat na nawawala na iniimbestigahan ng PNP-CIDG at pinangangambahang ilan ditto ay pinatay na.
Isang senior military officer mula sa camp Crame ang nagsabing may mga dinukot na sabungero ang inilutang matapos nilang malaman na may isang police general ang naghahanap dahil kamag-anak umano nito ang mga nawawala.
Kamakailan isang retired Army na kinilalang si Ernesto Bacay ang humingi ng tulong sa pulisya para hanapin ang kanyang dalawang anak na kinilalang sina James at Marlon Bacay na nawawala matapos magtungo sa Manila Arena, Sta Ana, Manila subalit hindi na naka uwi matapos na puwersahan umanong tangayin ng mga armadong kalalakihan.
Sa kabuuan, sinasabing nasa 20 nang sabungero ang inulat na nawawala kabilang ang anim na nawawala mula sa Tanay Rizal.
Kinilala ng Santa Cruz Police ang apat sa mga nawawalang sina Ferdinand Dizon, 39-anyos Mark Paul Fernandine, Manny Magbanua at Melbert John Santos. VERLIN RUIZ