GRANADA ‘IPAPASOK’ SA MRT, EX-SUNDALO IKINANDADO

GRANDA

QUEZON CITY – SWAK sa kulungan ang 29-anyos na lalaki na nagpakilalang dating sundalo makaraang madiskubre na may dala itong granada na nais sumakay ng MRT Line 3 sa Cubao station.

Arestado ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni  Director, Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr. at ng mga tauhan nito si Christian Guzman, taga-Baliuag, Bulacan.

Sinabi nina Supt. Giovanni Hycenth Caliao, hepe ng Cubao Station at Regional Mobile Force Battalion (RFMB) sa ilalim ni Sr. Supt. Joel Rentoy Consulta, bandang alas-7:10 ng gabi noong Sabado nang  masabat sa lalaki ang granada sa entrance pa lamang ng MRT 3 Cubao Station, Araneta Center, Brgy. San Martin De Porres.

Nasilip ang granada nang idaan sa x-ray machine ang dala nitong backpack at napag-alaman din na ibinalot pa ng packaging tape ang naturang bagay dahil sa ina­akalang hindi na mapapansin pa ang bagay.

Agad namang iniulat ng mga tauhan ng naturang MRT station sa Police Assistance Desk dahilan ng pagkakaaresto nito.

Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9516 o Illegal Possession of Ammunition and Explosive.

Samantala, sa Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni Supt. Rossel Cejas ay naresto sina Bonifacio Atienza, 25, ng No. 625 Bagbag Cemetery, Novaliches, bandang alas-12:45 ng mada­ling araw kahapon habang nagsasagawa ng Oplan Bakal ang mga pulis nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek na nakatayo lamang sa harapan ng isang resto bar sa Quirino Highway at napansin din ng mga pulis ang nakasukbit na baril nito sa kanyang baywang at nang lapitan ito ay nakuhanan ng isang replika ng 45 caliber handgun. PAULA ANTOLIN/ MT BRIONES

Comments are closed.