GRANADA SUMABOG SA KARNABAL: 1 PATAY, 5 SUGATAN

COTABATO – ISA ang patay habang lima ang sugatan sa naganap na pagsa­bog ng granada sa isang karnabal sa may Sitio Condring, Barangay Marbel sa bayan ng Matalam sa lalawigang ito ilang minuto bago ang New Year.

Ayon kay Ma­talam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, nangyari ang pagsabog dakong alas-11:50 ng gabi nitong bisperas ng Bagong Taon.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng isang indibidwal na kinilala ng pulisya na si Romel Presto Cabiso, residente ng Barangay Marbel.

Agad namang dinala ng mga rumespondeng pulis ang iba pang nasugatang biktima sa ospital.

Naganap ang pag­sabog habang naghahanda ang mga tao sa lugar para sa pagsalubong ng taong 2025.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa naturang pagsabog.

EVELYN GARCIA