GRAND SLAM RECORD NADALE NI NADAL

NAUNGUSAN ni Rafa Nadal si Daniil Medvedev sa isang classic Australian Open final noong Linggo upang kunin ang record 21st Grand Slam title.

Sa pagkaka-deport kay Novak Djokovic at sa pagpapagaling ni Roger Federer mula sa knee surgery, ang Spanish great ay angat ngayon ng isang major title sa kanyang  ‘Big Three’ rivals makaraang maitala ang  2-6 6-7(5) 6-4 6-4 7-5 thriller sa Rod Laver Arena.

“It was one of the most emotional matches in my tennis career,” wika ni Nadal sa post-match presentation.

“It’s just amazing now being gone one month and a half ago I didn’t know if I will be able to be back on the tour playing tennis again.

“And today I’m here in front of all of you having this trophy with me.”

Nalasap ang apat na final defeats noong 2012, 2014, 2017 at 2019, nasikwat ni Nadal ang ikalawang Melbourne Park crown, 13 taon makaraang gapiin si Federer sa isa pang epic decider noong  2009.