GRANULAR LOCKDOWN SA 57 LUGAR SA NCR

INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may 57 lugar sa National Capital Region (NCR) ang isinailalim sa ‘granular lockdowns’ isang araw matapos ipatupad ang ‘pilot implementation’ nito.

“Based on the report given to us by the NCRPO, we have 57 areas in the National Capital Region currently under granular lockdowns,” ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing nitong Biyernes.

“Almost all LGUs here in Metro Manila have granular lockdowns, ” ani Malaya pero hindi niya binanggit kung anong mga lugar.

Kasabay nito, ipinaliwanag naman ni Malaya sa mga umaapelang netizens na nagsasabing magbigay naman ng warning o babala bago i-lockdown ang lugar upang makapag-prepara ay nasa kamay na umano ito ng kanilang lokal na pamahalaan ang desisyon.

“Doon sa sinasabing issue tungkol sa warning, nasa kamay na po ‘yan ng mga local government units kung anong klaseng warning ang kanilang gagawin. We will leave it now to the discretion of the local government units kung sila ba ay biglang magla-lockdown lamang o magbibigay sila ng advanced warning,” dagdag pa ng DILG official.

Muli ring nilinaw na ang mga lugar na isasailalim sa granular lockdown ay ikinokosiderang critical zones, kung saan ay mataas at aktibo ang hawaan ng COVID-19. EVELYN GARCIA

6 thoughts on “GRANULAR LOCKDOWN SA 57 LUGAR SA NCR”

  1. It’s actually a great and helpful piece of info.
    I am satisfied that you shared this useful information with us.
    Please keep us informed like this. Thanks for sharing.

  2. 442094 4244741 can undertake all sorts of advised excursions with assorted limousine functions. Various offer fantastic courses and a lot of can take clients for just about any ride your bike over the investment banking location, or even for a vacation to new york. ??????? 488774

Comments are closed.