NAKATAKDANG magsagawa ang apat na dating world judo champions mula sa Japan ng isang two-give training program para sa local athletes at coaches sa Judo Coach Dispatch Project ngayong weekend sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Ilulunsad ng Tokyo Metropolitan Government (TMG) ang programa sa pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Judo Federation, Inc. (PJFI) upang isulong ang international sports development at cultural exchange sa pamamagitan ng judo.
Ang weekend activity ay tatampukan ng lectures at training mula kina Tokyo Judo Federation president at renowned national coach Matagoro Toriumi, dating two-time world championship gold medalist Yusuyuki Muneta, silver medalist Megumi Tachimoto, at Tokyo Boys Judo Team head coach Junri Omori.
“We are honored to collaborate with the Tokyo Metropolitan Government on this project. This initiative not only elevates the level of judo in the Philippines but also promotes cultural exchange and camaraderie through the spirit of sportsmanship,” wika ni PSC Chairman Richard Bachmann.
Mahigit 200 athletes at coaches ang makikinabang sa expertise at insights ng Tokyo-based judo coaches.
“This initiative not only strengthens the sporting ties between our two nations but also serves as a testament to the enduring friendship and cooperation that exist between Japan and the Philippines,” sabi pa ni Bachmann
Ang PSC ay dating nakipagpartner sa TMG sa Asian Junior Sports Exchange Games, kung saan nagpadala ang ahensiya ng junior badminton at table tennis teams sa Tokyo noong Agosto ng nakaraang taon.
CLYDE MARIANO