MAHALAGA ang pag-develop ng green corridors upang mapanatili ang regional biodiversity, maiayos ang kalidad ng kapaligiran, na nagbibigay ng economic resilience opportunities, mapangalagaan ang heritage and culture, at masuportahan ang pagsipa ng ekonomiya sa muling pagsisimula ng mga aktibidad ng turismo sa new normal.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, suportado nila ang development ng GREEN Corridor Initiative (GCI), kung saan ang flagship domestic program ay ang DOT Region 4A.
Pinabibilisan ni Puyat ang validation ng Dona Leonila Park sa Sampaloc Lake at Casa San Pablo, na sumailalim sa Laguna tourism circuit ng GCI tulad din ng Tayak Nature, Adventure and Wildlife (TANAW) Park sa Rizal, Nagcarlan Underground Cemetery, at ang demonstrasyon sa paggawa ng tsinelas sa Liliw.
Ibinunyag din niya na ang nasabing mga tourism products ay base sa kahandaan at kalidad, sa tulong ng development standards batay sa National Tourism Development Plan (NTDP) 2016–2022 at Tourism Rapid Assessment (TRA).
Laguna ang ikalawang may pinakamaraming turista sa 2020 Same Day Tourism Arrivals, kung saan 11 percent ng kabuuang bilang ng tourism arrivals sa Region IV-A na may kabuuang bilang na 1,267,762 same-day tourism arrivals sa buong rehiyon.
Laguna rin ang ikalawang pinakamataas na contributor sa 2020 Overnight Tourism Arrivals, kung saan 22 percent naman ng kabuuang bilang ng turista sa tourism arrivals ng rehiyon, kung saan umabot sa 207,559 overnight tourism arrivals. — KAYE NEBRE MARTIN
Comments are closed.