WALANG katiyakan kung maglalaro si Golden State Warriors forward Draymond Green sa season opener sa Martes laban sa Brooklyn Nets dahil sa foot injury, ayon kay head coach Steve Kerr.
Si Green ay nagtamo ng mild muscle strain sa kanyang kanang paa sa isang scrimmage nitong linggo at hindi sumali sa scrimmage noong Sabado.
Ayon kay Kerr, wala namang nakitang malaking pinsala sa MRI at umaasa siyang makababalik si Green sa lalong madaling panahon.
“I know Draymond is disappointed to not practice today,” ani Kerr. “And maybe not play Tuesday night. But he’s also well aware that it’s a long season, 72 games. He’s going to get right, he’s going to be healthy and ready to roll when he is, and at that point, there’s a ton of basketball left. We’re being smart and Draymond understands the need to be so.”
Hindi naglaro si Green sa preseason games ng Warriors makaraang mapaulat na nagpositibo ito sa COVID-19.
Ang 30-anyos na si Green ay isang three-time All-Star at dating Defensive Player of the Year at nagwagi ng tatlong NBA championships aa Warriors.
May average siya na 8.0 points, 6.2 rebounds at 6.2 assists sa 43 games noong nakaraang season.
Si Green ay may career averages na 9.0 points, 6.9 rebounds at 5.0 assists sa 576 games (428 starts) magmula nang piliin siya ng Warriors sa second round ng 2012 NBA Draft.
Comments are closed.