KINIKILALA si Gregorio Aglipay y Labayan bilang aktibistang Pari ng simbahang Romano Katoliko sa Pilipinas nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896.siya ay taga-Ilocos Norte.
Kasama ang isang lider manggagawa binuo nila ang Iglesia Filipina Independiente (IFI) na tinatawag ying Aglipayan Church.
Naging excommunicado si Aglipay noong 29 April 1899 sa kasong “usurpation of ecclesiastical jurisdiction.” May kinalaman ito sa pagrerebelde niya sa mga kautusan ng Simbahang Kalotika na sinasabi niyang hindi naman nasasaad sa Bibliya.
Ang Philippine Independent Church, o sa wikang Kastila ay Iglesia Filipina Independiente, at tinatawag ding Aglipayan Church, at ang malayang simbahang inorganisa noong 1902 matapos ang Rebolusyon noong 1896–98 bilang protesta laban sa mga paring Kastilang kumukontrol sa Roman Catholic Church.
Matatagpuan ang Aglipay Shrine sa Pinili, Ilocos Norte, isang makasaysayang lugar na may kinalaman sa guerilla activities ng OM Aglipay kaugnay rin ng Filipino-American War mula 1899 hanggang 1901. Ang shrine ay nakatayo sa Brgy. Kullabeng, na ngayon ay Brgy. Aglipay na. Mayroon din itong katedral sa Taft Avenue, malapit sa Philippine General Hospital.
Ang Aglipayan Church ay isang schismatic Catholic church kaya Katoliko pa rin ito. Ang pagkakaiba lamang nito sa Roman Catholics ay ang Roman Catholics ang bumubuo ng malaking Christian group, at ang iba pang Catholics ay maliit na grupo lamang ng Christian community, na tinatawag ding “Greek Orthodox.”
Noong early part ng 20th century, abot sa 25 to 33 percent ang bilang ng mga Aglipayan. Sa ngayon, bumaba na ito at naging 5 percent na lamang, at associated na rin sa Protestant Episcopal Church ng United States.
May dalawang uri ng Katoliko. Ang Roman Catholics at Eastern Orthodox Catholics. Resulta ito ng East-West Schism (Great Schism) noong 1054 AD, nang ang medieval Christianity ay nahati sa dalawa.
Sa pagkakaiba ng Aglipayans at Roman Catholic, ang mga Aglipay ay may sariling spiritual head, ang Obispo Maximo, habang ang Roman Catholic Church ay mayroong Papa. Bukod dito, maaaring mag-asawa at magkapamilya ang paring aglipay, ngunit mananatiling secluded ang paring Romano Katoliko.– LEANNE SPHERE