GREGORIO DEL PILAR, BAYANI NG PASONG TIRAD

ISANG heneral na Filipino ge­neral sa Philippine Revolutionary Army si Gregorio Hila­rio del Pilar y sa panahon ng Philippine–American War.

Bilang pinakabatang heneral sa Revolutio­nary Army, marami siyang naipanalong laban sa pagsalakay sa Spanish barracks sa Paombong, kung saan ang una niyang panalo ay sa Battle of Quingua at ang huli naman ay sa Battle of Tirad Pass.

Dahil sa kanyang kabataan, tinawag siyang Batang Heneral o Boy General. Babaero raw si GHDP, at ayon kay National Artist for Literature Nick Joaquin, siya ang Byron of Bulacan.

Ipinanganak siya noong November 14, 1875 at ang mga magulang ay sina Fernando H. del Pilar at Felipa Sempio ng Bulacan, Bulacan. Pangalawa siya sa bunso sa anim na magkakapatid.

Hilario ang original nilang apelyido bago ipinatupad ang Claveria naming reforms ng principalia, kung saan miyembro ang kanyang mga tiyuhing sina lawyer-turned-propagandist Marcelo H. del Pilar, edi­tor-in-chief ng Diariong Tagalog at La Solidaridad, at ang paring si Toribio H. del Pilar, na ipinatapon sa Guam dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa 1872 Cavite Mutiny. Kamag-anak ng del Pilar clan ang mga Gatmaitan. Kaya lahat sila ay may letrang H sa gitna ng pangalan, ay sapagkat hindi nila tuluyang iwinag­lit ag apelyidong Hilario, kundi dinagdagan lamang ng del Pilar.

Kahit miyembro ng principalia, mahirap lamang ang pamilya ni Gregorio del Pilar, ngunit nakapag-aral din siya sa turo nina Maestros Monico Estrella at Romualdo Sempio bago nakapag-aral sa Maynila. Sa edad 15, nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila ng Bachelor of Arts, habang nakatira sa kanyang tiyahing si Hilaria H. del Pilar na asawa ng propagandistang si Deodato Arellano.

Nakapagtapos siya noong March 1896 at mag-e-enroll sana sa School of Arts and Trades and study para maging maestro de obras, pero pumutok ang rebolusyon kaya umuwi siya sa Bulacan at nagpalista sa militar na pinamumunuan nu Colonel Vicente Enríquez. – SHANIA KATRINA MARTIN