KUNG dati ay nagagalit at pinapatulan ni Gretchen Barretto ang mga puna at batikos sa kanya ng bashers, ngayon ay sinasagot na niya ang mga ito ‘di para patulan kundi para ipaliwanag ang kanyang ginagawa.
Nag-ugat ang paninita at pagbatikos kay Gretchen sa ginagawa niyang pagtulong sa mga nangangailangan. May followers kasi si Gretta sa kanyang Instagram account, ang nagwi-wish na tulungan sila ng actress at karamihan sa mga ito ay kanyang tinutupad ang wish.
At siyempre, hindi talaga nawawala ang mga basher na wala na yatang magawa kundi manita sa mga ginagawang tulong ng mga artista. Tulad ng isang follower ni Gretta na nag-comment na ipinost naman ng actress ang comment nito.
“You know what? Why do you have to post every little help you did? Don’t you know that kindness made secretly are the ones worthy to God? Sorry Ms Gretchen just saying..”
Imbes na maimbiyerna at magalit ay sinagot na lang ito ni Gretchen nang maayos para mapag-isip-isip ng nag-comment ang ginagawang pagtulong ni Gretta at mga kaibigan nito ay bukal at walang halong kaplastikan at higit sa lahat para makapag-inspire sa iba na may kakayahan tumulong at gumawa rin ng paraan para makatulong sa kapuwa.
“A little help or big as long as we care & share (with two heart emojis).A little goes a long way. I pray that you see good in everything (with prayer and a heart emojis). I post in the hope that others be inspired do the same in their own little or big way. I post to keep in touch with the real world, it keeps me grounded & grateful, most of all, it makes me human. God be with you,” sagot ni Gretchen sa nag-comment.
Imbes na punahin ang ginagawang pagtulong ni Gretchen sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong ay gumawa na lang ng paraan kung paano makatutulong at hindi ‘yung puro puna at batikos sa mga tao na hangad lang ay makatulong sa kapuwa.
PIA WURTZBACH BAGONG CALENDAR GIRL
KAHIT nangangayayat si Pia Wurtzbach ay nandoon pa rin ang bagsik ng kanyang kaseksihan na siyang kinagiliwanan at hinangaan sa kanya ng buong mundo nang tanghaling 2015 Miss Universe.
Kahit tatlong taon na ang nakalipas ay nandoon pa rin ang paghanga at pagkahumaling ng kalalakihang tagahanga ni Pia at habang tumatagal ay lalong nagiging mabango si Pia sa kanyang barakong followers.
Kahit payat ay nandoon pa rin at hindi nagbago ang kurba ng kanyang kaseksihan. Tamang-tama lang na siya ang kinuhang model para sa Calendar Girl ng 2019.
Sa mga pose at pictorial na ginawa ni Pia ay halos lahat ng yata ng kulay ng bikini ay naisuot nito. Kaya naman napakasuwerte ng photographer dahil nasaksihan niya ang lahat ng magagandang anggulong naka-bikini si Pia.
Sa mga napiling larawan na ginamit ay muling masisilayan ang pamatay na katawan ni Pia, super liit ng kanyang baywang na samahan pa ng mapanuksong mukha kaya siguradong wala nang mahihiling pa ang barakong followers ng 2015 Miss Universe.
Comments are closed.