GRINGO SA DISYEMBRE PA UUPO SA DICT 

Senador Gringo Honasan II

HINDI pa makumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang ulat na  itatalaga si Senador Gregorio “Gringo” Honasan II bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

“No confirmation yet,” pahayag  ni Panelo.

Nauna rito ay  iniulat na pumayag na si Honasan na maging bagong DICT head, subalit  may ilang kondis­yon lang ang senador upang hindi maapektuhan ang kaniyang mga trabaho sa Senado.

Posibleng sa Disyembre pa  umupo si Honasan kapag natapos na ang paghimay sa 2019 national budget.

Ang DICT ay pinamumunuan ni Secretary Eliseo Rio  na nasa  acting capacity lamang.

Comments are closed.