PERSONAL nang kinumpirma ni Senador Gregorio Gringo Honasan ang pag-upo bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sa pamamagitan ng text messages, sinabi ni Honasan na para sa mas ikabubuti ng gobyerno at para sa ikabubuti ng mamama-yang Filipino lalo na para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan naging desisyon nito na tanggapin ang alok ng pangulo upang pamunuan ang DICT.
Nauna nang inamin ni Senate President Vicente Sotto III na nanggaling sila noong Oktubre 29 sa Malakanyang kasama sina Senador Panfilo Lacson at Honasan kung saan tinanggap ng huli ang alok ng Pangulong Duterte.
Inaasahan namang tulad ng napag-usapan na uupo si Honasan sa Nobyembre 12 sa DICT kasabay ng pagbubukas ng sesyon sa Senado.
Sinabi pa ni Sotto na posibleng dumating pa sa Senado si Honasan sa Nobyembre 12 para magpaalam sa mga kasamahang senador.
Mananatiling leave muna ito sa Senado hanggat hindi ito nakukumpirma sa CA.
Sakaling maaprobahan sa makapangyarihang CA, doon na magbibitiw sa puwesto bilang senador si Honasan. VICKY CERVALES
Comments are closed.