GRO NA DALAGITA NAISALBA

GRO

CAGAYAN – ISANG menor na guest relation officer ang nagtatrabaho sa isang videoke bar ang itinurn-over sa City Social Walfare and Development Office Tuguegarao City, Cagayan (CSWDO) sa bayan ng Atimonan, Quezon, matapos na mailigtas ng mga awtoridad sa lungsod ng Tuguegarao.

Ang dalagita na 14-anyos ay nagtatrabaho sa Intensity Videoke Bar, lungsod ng Tuguegarao, ay si alyas  Emma, tubong Atimonan, Quezon.

Isang concerned citizen ang nagtungo sa tanggapan ng CSWDO na pinamumunuan ni Myrna Te upang ipagbigay-alam sa kanila na may isang magandang dalagita ang nagtatrabaho sa Intensity Videoke bar.

Dahil dito, kaagad na nakipag-ugnayan ang CSWDO sa Quezon kung saan doon nakatira ang dalagita para makuha ang larawan at ang birth certificate nito bago nila isagawa ang pag raid sa nasabing bar.

Nang isagawa ang operasyon ay nadatnan nila ang dalagita at kanilang kinumpronta na inamin naman na siya ay nagtratrabaho sa nabanggit na bar.

Sinabi ni Te na isinara na ang nasabing bar dahil sa paglabag sa child trafficking, at inihahanda na nang awtoridad ang kaukulang kaso sa nag-mamay-ari ng nasabing Bar. IRENE GONZALES

Comments are closed.