DINAGDAGAN ni House Speaker Gloria Arroyo ang yearly grocery allowance ng mga empleyado ng Kamara.
Sa flag raising ceremony kahapon, inanunsyo ni SGMA na gawing P35,000 kada taon ang grocery allowance ng mga kawani ng Mababang Kapulungan.
Binigyan na rin ni SGMA ng awtorisasyon si House Committee on Accounts Chairman Yedda Marie Romualdez na maglabas ng nasabing halaga para sa mga empleyado.
Tinukoy pa nito na tuwing mga buwan ng Agosto at Setyembre na tinawag niyang “taghirap months” ay kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga nag-a-apply ng loan.
Sinabi ng leader ng Kamara na noong nakalipas na buwan ng Agosto nakatanggap lamang ng P5,000 grocery allowance ang mga empleyado mula sa Committee on Accounts. CONDE BATAC
Comments are closed.