PINAHINTULUTAN na ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang limitadong pagbubukas ng mga personal grooming services gaya ng mga barberya, parlors, nail salons at derma clinics, habang mananatiling sarado ang gyms, internet cafes, tutorial centers at pet grooming services.
Hanggang 30% porsyento ng kapasidad ang pinapayagan sa mga barberya, parlor at salon na may limitadong serbisyo sa paggupit at pagkulay ng buhok. Ang mga nail salons ay maaari rin magbukas sa 30% operational capacity at puwedeng mag-manicure, pedicure, at spa services ng kamay at paa.
Ang mga kawani ng mga nasabing establisimiyento at maging ang mga kostumer ay obligadong magsuot ng face mask sa lahat ng pagkakataon.
Napagpasyahang delikado ang iba pang serbisyo dahil sa magtatagal sa establisimiyento at mawawala ang physical distancing sa pagitan ng mga kostumer at kliyente.
Ang derma clinics ay puwede lamang mag-operate “by appointment” at para lamang sa paggamot ng mga sakit sa balat.
“We decided to place restrictions on these establishments to ensure the steady decline in our positivity rate. We need to further control the transmission of the virus before we can open more non-essential businesses,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Like our schools, tutorial centers can adopt distance or online learning so they do not need to conduct face-to-face classes. Their clients, mostly young learners, are also barred from leaving their homes because of our 24-hour curfew for minors. The same goes for internet cafes and computer shops that mostly cater to young clients,” dagdag ng alkalde.
Para sa mga gyms at sports facilities, sinabi ni Tiangco na maaaring mag-ehersisyo ang Navoteños kanilang mga tahanan at hikayating sumali ang mga kapamilya para mapanatili ang kalusugan ng buong pamilya.
Ang mga pet grooming services ay napagdesisyunan ding maaaring makapaghintay dahil maaaring ang mga may-ari ng alagang hayop na ang mag-groom sa kanilang mga alaga at maiiwasan ang paglabas ng bahay. VICK TANES
Comments are closed.