UMABOT ang gross borrowings ng national government para sa Mayo sa P57.969 billion, mas mataas ng 74.5 percent sa P33.21 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa pinakabagong datos ng BTr, sa unang limang buwan ng taon ay pumalo na sa P302.578 billion ang total borrowings ng pamahalaan.
Ang January to May gross borrowings na P302.578 billion ay mas mababa naman ng 33.1 percent sa P452.805 billion na naiposte sa kahalintulad na panahon noong 2017.
Ang external borrowings para sa Mayo ay nasa P2.534 billion, habang ang domestic gross borrowings ay umabot sa P55.435 billion.
Ang external gross borrowings ay bumaba ng 51 percent mula sa P5.182 billion na iniulat sa kahalintulad na buwan noong 2017, habang ang domestic gross borrowings ay tumaas ng 97.7 percent kompara sa P28.028 billion noong 2017.
Karamihan sa borrowings mula sa domestic lenders para sa Mayo ngayong taon ay sa pamamagitan ng fixed rate Treasury Bonds na nagkakahalaga ng P28.995 billion, habang ang Treasury bills ay nasa P26.440 billion. REA CU
Comments are closed.