GROSS BORROWINGS NG GOV’T BUMABA

UMABOT sa P36.692 billion ang gross  borrowings ng national government noong Abril para ilagay ang total gross borrowings sa ­unang apat na buwan ng taon sa P244.609 billion, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, ang P244.609 billion gross borrowings ng pamahalaan para sa January to April period ay bumaba ng 41.7 percent kumpara sa P419.595 billion na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2017.

Para sa April 2018,  ang naiposteng gross borrowings na P36.692 billion ay mas mababa ng 82.2 percent sa P206.474 billion na naitala noong Abril 2017.

Ang external gross borrowings para sa buwan ay umabot sa P3.455 billion, habang ang domestic gross borrowings ay nasa P33.237 billion.  Mas mababa ito ng 32.2 percent sa P5.101 billion para sa offshore borrowings, at 83.4 percent mula sa P201.373 billion local borrowings para sa kaparehong buwan, ayon sa pagkakasunod.

Mula January to April period ngayong taon, ang external gross borrowings ay umabot sa P149.595 billion, mas mataas ng 15 percent mula sa P130.04 billion na naitala noong 2017.

“The government’s global bonds exchange formed bulk of the total for external borrowings amounting to P102.682 billion, program loans came in second with P21.444 billion, project loans had P13.455 billion, and Panda bonds or Chinese Yuan bonds had 12.014 billion of the total for the period,” ayon sa BTr.

Ang domestic gross borrowings para sa kahalintulad na panahon ay umabot sa P95.014 billion para sa 2018, mas mababa ng 67.1 percent mula sa P289.555 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang tao.

Ang fixed rate Treasury bonds ay bumubuo sa karamihan ng domestic borrowings sa P75.965 billion habang ang Treasury bills ay may P19.049 billion para sa kahalintulad na panahon.

Samantala, ang debt payments na isinagawa ng pamahalaan para sa January to April period ngayong taon ay umabot sa P226.046 billion, kung saan mas mataas ang interest payments sa amortization.

Sa datos ng BTr, ang P226.046 billion na binayaran ng pamahalaan ay mas mababa ng 17.7 percent kumpara sa P274.939 billion noong 2017.

Sa buwan pa lamang ng Abril, ang pamahalaan ay nagbayad ng P27.846 billion para sa utang nito, mas mataas ng 5.9 percent sa debt payment na  P26.289 billion na isinagawa sa kaparehong buwan noong 2017.    REA CU

Comments are closed.