GROUNDBREAKING NG PRES. FERDINAND MARCOS SR. FIELD SINAKSIHAN NI SEN. IMEE

CAVITE- PERSONAL na sinaksihan ni Senadora Imee Marcos ang groundbreaking ceremony sa Camp Gene­ral Mariano Castaneda (PNPA) sa Silang  para sa itatayong President Ferdinand Edralin Marcos Sr. Field.

Sa simpleng sere­monya ay nakiisa ang Senadora sa paglalagay ng time  apsule sa lugar kung saan ititindig ang bantayog ng pagkilala sa naging ambag ng namayapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Magsisilbing bagong parade ground ang lugar kung saan sinisimbolo nito ang patuloy na pagnanais ng PNPA at PNP na abutin ang pinakamataas na antas ng propesyunalismo at husay sa mga Cadet Trainee.

Isang pagkilala rin ito sa minsang naging adhikain ng dating Pangulong Marcos na magkaron ng “well trained and discip­lined police force” na magiging epektibo sa pagpapatupad ng Peace and Order sa bansa.

Ang President Ferdinand Marcos Sr Field ay bubuuin ng 2 storey grandstand na may sukat na 30M x 160M, may VIP receiving at holding area, Audio Visual Room at ka­yang mag accommodate ng 1,200 seaters, may kabuuang sukat ito na 30,591 metro kwadrado.

SID SAMANIEGO