GROUNDBREAKING SA MARAWI TAGUMPAY

Groundbreaking-Marawi City

LANAO DEL SUR- BAGAMAN wala si Pangulong Rodrigo Duterte, natuloy ang groundbreaking ceremony sa main battle area sa Marawi City.

Sinabi ni 1st District Assemblyman Zia Alonto Adiong ng Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) na aabutin pa ng taong 2021 bago tuluyang matapos ang rehabilitasyon ng Marawi City na nawasak sa limang buwang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria).

Nanguna naman sa seremonya si Task Force Bangon Marawi Secretary Eduardo del Rosario kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno sa lugar kahapon.

Nanguna rin sa nasabing event ang debris management sa sector 1 ng most affected area kung saan nakabase ang 24 barangay na nagtala ng malaking danyos sa limang buwan na pagtugis ng government forces laban sa grupong Maute-ISIS.

Inihayag naman ni Adiong na bagama’t hindi nakarating si Pangulong Duterte sa aktibidad  ay natuwa ito na natuloy na rin ang groundbreaking sa lugar.              EUNICE C.

Comments are closed.