By: Nenet L. Villafania
Sa ayaw at sa gusto natin, tatanda tayo. Sa bawat pagdaing ng umaga, tumanda ka ng isang araw. Sa bawat pagtakbo ng orasan, tumatanda ka ng isang Segundo. May problema ba?
Well, sa iba, talagang meron. Ilang beses akong may nakasabay sa bus na itinatangging senior citizen sila dahil 59 pa lang daw ang edad. Ilang kaibigan at kakilala ko ang ayaw ipaalam ang totoong edad. Ang hindi nila alam, napakaswerte nilang matanda na sila. Bakit ika ninyo?
Sa ating pagtanda, nagkakaroon tayo ng mas malawak na perspective, at dahil dito, nagkakaroon tayo ng pagkakataong maka—focus ng kanilang efforts at lakas upang mas mapaganda ang sosyedad at makatulong upang mas maging maganda ang mundo ng susunod na henerasyon.
Sa ganitong paraan, napakahalaga ng mga nakatatanda. Sila ang bumibigkis sa pamilya sa lahat ng pagkakataon upang mas maging matatag. Sila ang ideal mentor. Sa lahat ng kanilang mga karanasan sa buhay sa nagdaang mga taon, kaya na nilang husgahan ng halos naayon sa tama ang mga bagy-bagay at sitwasyon, at magbigay ng give constructive advice sa kanilangg mga anak at apo. Napakahalaga rin nila sa pagresolba ng away sa mga miyembro ng pamilya.
Sinabi ko nan ga – growing old is a gift. Napakaswerte mong binigyan ka ng pagkakataon ng Maykapal na umabot sa edad mo ngayon, samantalang ang iba, ni hindi umabot ng 30 years old. Kung pakalilimiin, bawat gatla sa iyong mukha, bawat ugat sa iyong mga kamay, ay dapat mong ikatuwa. Bawat taon, kung meron ka lamang sense of acceptance sa sarili mo at sa iba na rin, mapapangiti ka na lamang. Kaya dapat, meron ka nang desire for connection sa mga kakilala, kaibigan, kamag-anak at mga mahal sa buhay, at sana, kaya mo itong gawin na wala kang sinasaktan. Ang mga karanasan mo sa buhay ay makatutulong upang makagawa ka ng mga smart decisions. Meron ka nang sapat na talino at empathy – na nakuha mo dahil tumanda ka. Kaya huwag mong kalilimutang magpasalamay araw-araw, tuwing imumulat mo ang iyong mga mata sa umaga, at masisilayan mo ang sikat ng araw.
Kung itatanong ninyo, ano ba ang biggest blessing sa buhay mo? Pwede mong sabihing good health. O baka pera, kaligayahan, peace, mga mahal sa buhay, mga magulang, bahay kotse – pero para sa akin, ang greatest blessing sa buhay ng tao ay oras. Bilang tao, biniyayaan tayo ng buhay na higit pa sa lahat ng living being sa mundo.
Uulitin ko, blessing ang pagtanda kaya hindi ka dapat mag-worry. Napakarami mong maisi-share na karanasan sa kabataan. Kapag bata ka, lahat, Maganda, pero nagmamadali kang tumanda dahil gusto mong magkaroon ng mga karanasan. Kapag bata ka, ninanakaw ng hormones ang talino mo. Inuuna mo ang pag-ibig kesa tamang desisyon – dahil iniisip mong bata ka pa. Pero noong bata ka pa, hindi mo rin alam kung aabutin mo pa ang edad mo ngayon.
Wala namang nakasisiguro kung hanggang kailan tayo mabubuhay.
Yang pagtanda, regalo yan sa atin ng Diyos. Sabi ni Solomon, “Ang kaluwalhatian ng kabataan ay ang kanilang lakas; ang puting buhok ng karanasan ay ang liwanag ng katandaan.” Bawat umagang imumulat mo ang iyong mga mata ay regalo mula sa Diyos, at ang mga nagdaraang araw, buwan at taon, ay napakaraming regalo sa atin ng Diyos. Ang oras na ibinigay sa ay space para mas palawakin pa natin ang ating katawan, isip at kaluluwa. Isa itong regalong walang katulad. Ito’y bagay na kumukunekta sa atin sa certainty at nagbibigay sa atin ng pagkakataong sandaling huminto upang pag-isipan ang mga nagawa nating pagkakamali. Yakapin natin ang katandaan at ang oras na kaakibat nito, dahil isa itong regalong walang kapantay.
The emotional core of the film is really between Guy (Gael García Bernal) and Prisca (Vicky Krieps), and how the bitterness and enmity between them doesn’t really matter when time is short. In the end, all that really matters is the people you love and the importance of family.
Who said getting old is a gift?
This reminds me of a quote, by Meryl Streep, who said, “You have to embrace getting older. LIFE is precious and, when you have lost a lot of people, you realize that each day is a gift.”