IBINABA ng Asian Development Bank (ADB) ang economic forecast nito para sa Pilipinas ngayong taon sa gitna ng tuloy-tuloy na mataas na inflation.
Sa isang statement nitong Miyerkoles, sinabi ng ADB na inaasahan nito ngayon na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng , 5.7%, bumaba mula sa 6% growth forecast noong Abril at sa 7.6% noong 2022.
Para sa 2024, inaasahan pa rin ng Manila-based lender na lalago ang gross domestic product o GDP ng bansa sa 6.2%.
Bagama’t bumagal ang inflation sa mga nakalipas na buwan, bumilis ito noong Agosto makaraang salantain ng mga bagyo ang agriculture sector ng bansa.
Sinabi ng ADB na maaaring makaapekto sa inflation ang El Niño, potential weather disturbances, pressures mula sa global commodity prices, gayundin ang transport at fuel price hikes.
“Global challenges, meanwhile, include geopolitical tensions and a sharper-than-expected slowdown in major advanced economies,” ayon sa ADB.
Sa kabila nito, naniniwala si ADB Philippines Country Director Pavit Ramachandran na mananatiling malakas ang economic growth sa kabila ng inaasahang moderation sa 2023.
“Public investment and private spending fueled by the low unemployment rate, sustained increase in remittances from Filipinos overseas, and buoyant services including tourism will support growth,” sabi ni Ramachandran.
“The government’s large infrastructure projects should further stimulate consumption, boost jobs, and spur more investment,” dagdag pa niya.