PINANATILI ng Asian Development Bank ang growth projections nito para sa bansa para sa 2021 at 2022.
Sa Asian Development Outlook (ADO) 2021 Update nito na inilathala nitong Miyerkoles, sinabi ng regional lender na ang 4.5% at 5.5% forecasts nito ngayong taon at sa susunod ay hindi nagbago.
Gayunman, nagbabala pa rin ang ADB sa epekto ng global health crisis sa trajectory ng ekonomiya.
“The economy has regained its footing and is on the right growth path. But the recovery remains fragile due to the threat posed by more infectious COVID-19 variants,” sabi ni ADB Philippines country director Kelly Bird.
Binanggit din ng Manila-based organization ang mas mahihigpit na restrictions na naglalayong pigilan ang pagkalat ng COVID-19, lalo na sa Metro Manila.
Pinuna rin ng ADB ang mabagal na rollout ng gobyerno sa vaccination program nito, na nakatuon umano sa major urban areas tulad ng Metro Manila.
“The government forecasts that around 80% of the target population in Metro Manila will be fully vaccinated by the end of October, which helps improve the conditions for further easing of mobility restrictions that will help restore consumer and business confidence,” nakasaad sa report.
Ang projection ng ADB para ngayong taon ay pasok sa target band ng economic team, ngunit ang forecast para sa 2022 ay mas mababa sa range ng mga opisyal para sa susunod na taon.
860773 443280Hey there! Good stuff, please keep me posted when you post something like this! 82950
2040 176238Really nice style and design and superb content material , nothing at all else we want : D. 49958
849962 350700Basically received my first cavity. Rather devastating. I would like a super smile. Looking a whole lot a lot more choices. Several thanks for the article 611823
832557 856027I saw your post awhile back and saved it to my computer. Only recently have I got a chance to checking it and need to let you know nice work. 443150
576409 791609The Case For HIIT Cardio – Why You should Concider it By the way you might want to look at this cool website I found 93830