NAKUKULANGAN ang grupong Federation of Free Philippines sa 15,000 na pautang ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka na apektado ng Rice Tariffication law.
Ayon kay Leonard Montemayor, board chair ng Forest Foundation Philippines (FFP), hindi sapat ang 15,000 para makabawi sa sobrang pagkalugi ang mga magsasaka.
Ani Montemayor, mas mainam na bilhin na lamang ng National Food Authority (NFA) sa gusto nilang presyo ang mga ani nilang palay para makabangon sa pagkakalugmok ang mga magsasaka.
Aniya, inutang lamang ang 45,000 na gastos sa pagtatanim ng mga magsasaka at hindi na makatutulong kung pauutangin silang muli.
Ayon kay Zeny Soriano, kung bibilhin lamang ng NFA sa 20 pesos kada kilo ang kanilang ani ay hindi na kakailanganin pa ang SURE AID.
Itinanggi rin ni Soriano na namimili ng palay ang NFA.
Aniya, matutulungan ng NFA ang mga magsasaka kung mismong lumapit ito sa halip na antayin ang mga local farmer na magtungo sa mga malalaking buying station.