AMINADONG nangangamba si Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians sa posibleng epekto ng Omicron XE sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Limpin na hindi pa gaanong kakayanin ng bansa ang panibagong variant dahil sa panahon ng eleksiyon at mababang bilang ng mga nagpapabooster-shot.
Gayunman, kahit wala pang kaso ng Omicron XE sa Pilipinas, tiniyak ni Limpin na nakalatag na ang hakbang para masigurong maaantala ang pagpasok nito.
Samantala, ibinabala ng World Health Orgzanition (WHO) at ng Department of Health (DOH) ang posibleng ‘mini surge’ ng kaso ng COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
Kasunod ito ng mababang vaccination turnout sa rehiyon kasabay ng pagsisimula ng Ramadan.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., 950,000 lamang ng 3.5M o 25% ng populasyon sa BARMM ang fully vaccinated kontra COVID-19.