HINDI gumamit ng sasakyang pandagat ang grupo ni ex Bamban Mayor Alice Guo sa pagtakas ng Pilipinas.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na base sa kanilang preliminary conclusion, pumasok sina Guo ng Malaysia sakay ng eroplano noong Hulyo 18.
Taliwas sa pahayag ni Alice at ni Shiela Guo sa nakaraang imbestigasyon na tumakas sila gamit ang bangka.
Ayon kay Viado, ang kumpirmasyon na ito ay base na rin sa actual entry ni Guo sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Walang record of entry sina Alice sa Sabah noong Hulyo 19, ayon pa sa BI.