BINATIKOS ng isang commuter group ang pahayag ni dating Quezon City Traffic Management head Atty. Ariel Inton na taxi drivers ang dapat magbayad ng multa dahil sa paglabag sa batas trapiko at hindi ang mga mayayamang operators.
Ayon kay Pat Mangubat, tagapagsalita ng transport at commuter group na PASADA, labag sa mga ordinansa ng lungsod maging ng batas sa public transport ang panukala ni Inton dahil ang mga taxi driver ay mga ahente lamang ng mga operator.
“ Ngayong isinaayos ng mga LGUs ang sistema ng pagmumulta sa mga lumalabag sa batas trapiko, ngayon umaaray si Atty Inton? Kaayusan ang dala ng NCAP at mabuti ito sa pangkalahatan, ‘di lamang sa commuters. Naiiwasan ang “ayusan” at “lagayan.” Kung talagang para sa kaayusan si Atty. Inton, dapat sumunod siya sa mga ordinansa dahil pinag-aralang mabuti yang sistema,” ani Mangubat.
Gamit ang mga sopistikadong cameras, naiispatan ng NCAP ang mga lumalabag sa batas trapiko beinte kuwarto oras. Padadalhan ng notice of violation (NOV) ang may-ari ng sasakyang rehistrado sa Land Transportation Office o LTO. Sa NOV, malinaw na video grab ang lalabas patunay ng paglabag sa batas trapiko.
Dagdag pa ni Mangubat, pinahihirapan umano rito ang mga taxi driver na apektado ngayon ng pandemya at prinoprotektahan nito ang mga taxi operator para makaligtas sa pagbabayad ng mga multa mula sa no contact apprehension program (NCAP) na ipinatutupad sa Maynila, Paranaque at Valenzuela. Ilan diumanong mga taxi operators ang nais takasan ang mga responsabilidad nila sa pagbabayad ng multa mula sa paglabag sa batas trapiko.
“Malinaw sa batas, maging sa public transport law na ang operators ang me pananagutan sa mga gawaing isinasagawa ng taxi drivers sa sandaling gamitin nito ang taxi units ng operators. Ang operator ang nakarehistrong nagmamay-ari ng oto kaya dapat may pananagutan sila sa sandaling lumabag sa batas trapiko ang kani-kanilang mga drayber dahil ahente nga nila ang mga ito,” ayon kay Mangubat.
Payag si Mangubat na padalhan din ng notice of violation ang mga driver at bahala na ang mga driver at operator kung papaano nila babayaran ang mga multa. Tanging disiplina pa rin ang dapat na pairalin ng mga motorista.
253116 232461quite good post, i really love this web internet site, keep on it 65227