GRUPONG INA UMARANGKADA NA

BUMUO ang mga pinuno ng ‘Solid North’ ng grupo na ‘Isko Northern Alliance’ (INA) upang himukin si Mayor Isko Moreno na tumakbong Pangulo ng bansa sa darating na 2022 election.

Nagsagawa ng virtual launch via zoom ang ‘Isko Northern Alliance’ (INA) kahapon kung saan nakilahok virtually ang mga lead convenor ng IM Pilipinas na sina Thomas Orbos, dating Metropolitan Manila Development Authority general manager at transportation undersecretary; Philipp Picco; Bong Mangahas; Cicero Lumauig; Bong Siquin; Warlito Daus; at Florante Gerdan, Sta Fe Nueva Viscaya, former Pres. & COO-Pore Point Dev’t Corp.

Nais ipabatid ng mga prominenteng political leader buhat sa Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pa­ngasinan, Abra, Cagayan, La Union at Cordillera na ang tinawag nilang INA ang siyang magtutulak  kay Mayor Isko para tumakbong Presidente.

Sa pakikipag-alyansa sa Ikaw Muna (IM) Pilipinas, ipinahayag sa publiko ng mga pinuno ng INA ang kanilang paninindigan kung bakit naniniwala silang ang isang pinanganak sa Maynila na may Visayan descent leader ang makapaglilingkod ng tapat sa interes ng bansa.

Sinabi ni Orbos na epektibo at mahusay na tinugunan ni Isko ang COVID-19 pandemic.

“Dapat magkaroon ang isang pinuno ng mga katangiang tulad ng simpantiya sa mga tao, at isang pinunong tumutupad ng kanyang mga pangako hindi lamang sa pamamagitan ng mga salita kundi pati na rin sa gawa, bukod sa iba pa,” ayon kay Orbos.

“Ang kanyang ginawa at ginagawa pa rin niya sa Maynila ay mula sa kanyang puso, mula sa kanyang hangaring makatulong sa mga mamamayan sa Maynila. Inaasahan kong magagawa rin niya ito para sa buong bansa,” dagdag ni Orbos.

Ayon kay Mangahas, nais nilang magkaroon ng isang pinuno na handang isakay sa isang bangka ang bansa at handang itong isagwan.

At para sa kanila si Isko ang taong nais ayusin ang kinabukasan ng bawat Pilipino.

Naniniwala ang grupo na hindi sila bibiguhin ni Mayor Isko sa kanilang kahilingan na tumakbo itong bagong pangulo ng bansa at maaaring sa mga susunod na araw mag­dedeklara na ito.

Dagdag pa ng grupo na panahon na para ibalik ang dangal ng bayan na matutungunan lamang ito ni Mayor Moreno.

79 thoughts on “GRUPONG INA UMARANGKADA NA”

  1. Excellent website you have here but I was curious about if you knew of any
    discussion boards that cover the same topics discussed here?

    I’d really like to be a part of community where I can get opinions from other experienced individuals that share the same interest.
    If you have any suggestions, please let me know. Thank you!

  2. 187054 145300Oh my goodness! an incredible write-up dude. Thank you Nonetheless Im experiencing challenge with ur rss . Don know why Unable to subscribe to it. Is there anyone getting comparable rss drawback? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 999776

Comments are closed.