TULOY-TULOY ang pag-iinvest ng Government Service Insurance System (GSIS) sa private infrastructure assets kasama ang ilang investors kung saan inilalagak ang pondo sa iba’t ibang proyekto na magbibigay ng mas mataas na tubo.
“This private fund vehicle works for us since we are able to successfully tap the expertise of experienced investors, which ensures a good risk-return profile for our investments,” wika ni GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas.
Ayon kay Aranas, noon pang 2012 sinimulan ang paglalagak ng pondo sa mga infrastructure development sa bansa na pangako sa Philippine Investment Alliance for Infrastructure (PInAI), ang kauna-unahang private equity fund na nakalaan para sa Philippine infrastructure projects.
Aniya, ipinagkatiwala ng GSIS ang P16.764-B pondo para ipuhunan.
Kabilang sa mga pinondohan ay ang North Luzon Renewable Energy Corporation Wind Farm sa Ilocos Norte; Negros Island Solar Power project sa Negros Occidental; GN Power Kauswagan coal fire power plant sa Kauswagan, Lanao del Norte, Mindanao; at 45 MW solar power project sa San Carlos City, Negros Occidental.
Naglaan din ng pondo ang GSIS sa Coastal Storage facilities sa Subic Bay Freeport Zone at LRT 1 Metro, partikular sa operation at maintenance ng may 20km LRT Line 1 sa loob ng 32 taon at konstruksiyon ng 12 km extension south sa Cavite.
Naibahagi na ang nasabing pondo bago matapos ang Disyembre 2017 kung saan umabot sa mahigit 13% ang tinubo nito.
“The greater returns that this fund is generating helps GSIS to lengthen its actuarial life (currently at 35 years or until 2051 using 2016 yearend data) that will enable us to fulfill our current and future obligations to our members and pensioners,” diin ni PGM Aranas. VICKY CERVALES
Comments are closed.