GSIS TOP EXECS NAGBIGAY NG UPDATE SA MEMBERS, PENSIONERS SA KEY PROGRAMS

GSIS

BACOLOD CITY – “We are here to bring our services closer to our members and pensioners.”

Ito ang pahayag ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Jesus Clint Aranas sa harap ng mahigit sa 200 at-tendees, kabilang ang mga miyembro, pensioners at heads ng teachers at retirees’ organizations.

Ayon kay Aranas, daramihan at dadalasan ng GSIS Board and Management ang pagsasagawa ng diyalogo sa stakeholders upang personal na pakinggan ang mga isyu at hinaing ng mga ito, na maaaring magsilbing inputs sa pagpapalakas ng mga programa at pagpapahusay sa paghahatid ng serbisyo.

Magmula noong 2017, ang GSIS ay nagpatupad ng mga ­programa upang matiyak ang  ‘greater sustainability’ ng pondo. Kabilang dito ang pagbabalik sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR), ang GSIS Financial Assistance Loan program (GFAL), ang Program for Restruc-turing and Repayment of Debts (PRRD) for inactive members, at ang condonation program para sa pabahay.

“Collectively, these programs aim to plug pension overpayments, re-finance the loans of active members with private lending institutions through lower interest rate and longer repayment terms, and provide a mechanism for members, including those who are already retired, to settle their outstanding loan obligations through penalty condonation,” wika ni Aranas.

“As administrators of our members’ savings, we are duty-bound to ensure that GSIS funds are healthy so that the present and the future generations of our members, can receive their benefits, as and when they fall due,” paliwanag pa niya.

Hinimok ng pension fund chief ang mga miyembro na may outstanding loans na samantalahin ang mga programang ito. “When you retire, you will receive your benefit in full, and truly enjoy your retirement.”

Binigyang-diin pa ni PGM Aranas na ng GSIS ay lumalapit sa mga miyembro nito upang matulungan silang mabayaran ang kanilang mga utang,  partikular sa mga pribadong lending institutions.

“Through GFAL, you can borrow up to half a million pesos at 6% interest rate and repayment period of six years. This will help ease your burden in paying your loans, and because of lower rate, your net income will be bigger.”

Ang GFAL ay pinalawak ka­makailan upang ma-cover ang  non-DepEd personnel at ipakita na dapat matamasa ng lahat ng miyembro ang parehong mga pribilehiyo mula sa GSIS alang-alang sa pagkakapantay-pantay.

“The same loan privilege should also be offered to the remaining 49% of our members across the country,” dagdag ni Aranas.

Comments are closed.