Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasa-ayos ng Guadalupe Bridge sa Makati na magsisimula sa Oktubre.
Inianunsiyo ni Marcos ang kanyang desisyon kasabay ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board meeting sa Malacañang Miyerkoles ng gabi.
Layunin ng pagsasaayos ng tulay na kayanin nito ang hanggang magnitude 8 o malakas na paglindol.
Bahagi ito ng Metro Manila Priority Bridges Seismic Improvement Project, na ang layunin ay mapagtibay ang mga tulay sa Metro Manila, partikular na ang Guadalupe at Lambingan Bridge.
Magkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga eksperto para sa traffic management plan bago pa simulan na ang paggawa sa tulay, na dinadaanan ng 365,000 motorista kada araw.
Ang pagsasaayos ng mga tulay sa Metro Manila ay pinopondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).