Kuwinestiyon ng kontrobersiyal at senatorial candidate na si Atty. Larry Gadon ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ang ginawang paghamon kamakailan ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon na sabay silang mag resign ni commissioner Aimee Ferolino kaugnay sa naaantalang desisyon sa disqualification case ng nangungunang presidential candidate Bongbong Marcos.
Sa kanyang video message pinagtawanan lamang Atty. Gadon ang ginawang pahayag ni Guanzon na aniyay walang kwenta at walang saysay na pahayag ni Guanzon.
“Nakakatawa ito… bakit naman mag reresign si commissioner Ferolino eh up to 2026 pa ang kanyang term? Si commissioner Guanzon naman ay magreretiro na ngayon,” pahayag ni Atty. Gadon.
“I am sure hindi naman tanga at bobo itong si commissioner Ferolino para pakinggan at patulan ang ganyang hamon, totally nonsense,” litanya pa ni Atty. Gadon.
Nauna rito, ginawa ni Guanzon ang kanyang premature disclosure ng kanyang boto at dissenting opinion hinggil sa disqualification case laban kay Marcos na ayon kay Atty. Gadon ay posibleng makagawa ng undue pressure at influence sa ibang commissioners na kasama sa 1st Division at hindi rin maituturing na official decision ang naging pahayag ni Guanzon.
Si Guanzon ay kilalang political appointee lamang ni dating Pangulong Noynoy Aquino habang si Ferolino ay nagsilbi sa Comelec mula sa pagiging ranking employee hanggang sa mahirang bilang commissioner ni Pangulong Duterte.
“The acts of commissioner Guanzon is much more serious than hurling invectives at a liar reporter. The Supreme Court MOTU PROPIO must suspend her with threats of disbarment, dagdag pa ni Atty. Gadon.