GUBAN ILILIPAT NA SA DOJ CUSTODY

Jimmy Guban-2

INANUNSIYO ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon na kanila nang ite-turn over ang kustodiya kay dating Custom Intelligence and Investigation Service (CIIS) Jimmy Guban sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Gordon sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) na inaprubahan ng DOJ ay matitiyak ang kaligtasan ni Guban at ng pamilya nito.

Aminado si Gordon na hindi na ligtas si Guban sa ilalim ng kustodiya  ng Senado matapos ang pag-amin nito sa pagkakasangkot ni Sr. Supt. Eduardo Acierto na nasa likod ng pagkakapuslit sa Customs ng magnetic lifter na naglalaman ng shabu na nadiskubre sa Cavite na wala nang lamang droga.

Sa kabila ng pag-anunsiyo hindi naman sinabi ni Gordon kung anong oras ililipat sa DOJ si Guban para na rin sa kaligtasan nito.

Hihilingin din ni Gordon na isailalim sa Witness Protection ­Program si Deputy Collector for Passenger Service Atty. Maria Lourdes Mangaoang matapos na aminin sa Senado na nakatatanggap ito ng pagbabanta sa kanyang buhay kasunod ng pag-amin na sadyang pinalusot ang mga nakapuslit na shabu shipment sa BOC. VICKY CERVALES

Comments are closed.