GUBERNATORIAL RACE SA BULACAN MAHIGPIT ANG ‘TAKBUHAN’

malolos bulacan

MALOLOS CITY – ASAHAN ang mahigpit na labanan sa gubernatorial race sa Bulacan bunga ng pagpasok ni dating Malolos City Councilor Teddy Natividad bilang pambato ng  Lakas-Christian Muslim Democrats at kakalabanin nito ang pitong iba pang kandidato sa nasabing posisyon kabilang ang kanyang half-brother na si Malolos City Mayor Atty. Christian Natividad (PDP Laban) at Vice-Gov.Daniel Fernando (NUP).

Base sa provincial office ng Commission on Election (Comelec)-Malolos City, humabol sa deadline ng substitution of candidates si Natividad noong Huwebes at pinalitan nito ang kandidatong si Josephine Banawan ng Lakas CMD habang ang iba pang gubernatorial candidate ay sina Ernesto Balite, Joel Coronel, Ernalyn Del Carmen, Hilario dela Merced Jr. at Jay Ocampo, pawang independent at ilan dito ay posibleng ideklarang nuisance candidate.

Running mate ni Natividad (Teddy) si Ace Mendiola, katandem naman ng kanyang half-brother na si Mayor/Atty. Natividad si Board Member Andrew Josef Mendoza habang si last term Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang kaalyado ni Vice-Gov. Fernando at isa pang independent candidate na si Nelson dela Merced ang lumaban ding bise-gobernador ng Bulacan.    A. BORLONGAN

Comments are closed.