HINUBARAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang guerilla-type na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, ang mga nagsara na POGO sa bansa ay nagpapanggap ngayon na mga resort at restaurant upang itago ang ilegal na operasyon.
Ginawa ni Remulla ang pahayag matapos tanungin sa Senado ang tungkol sa pagsasara ng mga POGO hanggang Disyembre, batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ibinahagi ni Remulla na biggest disguise ng mga POGO ang pagkukunwaring resort at restaurant tulad ng ni-raid sa Lapu-Lapu City kung saan ang mga empleyado ay mula sa pinasarang POGO hub sa Pampanga.
Ayon sa kalihim, kumukuha ang mga POGO ng business permit mula sa lokal na pamahalaan kaya ang panawagan sa mga alkalde ay inspeksyunin ang mga business establishment.
Iginiit ng kalihim na may pananagutan ang mga local executive kapag nakalusot ang illegal POGO sa kanilang nasasakupan.
Dahil dito, maglalabas ang DILG ng memorandum circular para obligahin ang mga alkalde na magsagawa ng inspection sa mga business establishment.
EUNICE CELARIO