SISIMULAN na ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng ₱3-billion fuel subsidy para sa transportation workers.
“Kinakailangan lamang na mayroong bisa ang prangkisa ng pampublikong sasakyan o nakarehistro ito sa LTFRB upang maging kwalipikadong benepisyaryo sa naturang programa,” ayon sa ahensiya.
Ang operators ng modern jeepneys at UV Express ay tatanggap ng ₱10,000, habang ang operators ng iba pang PUVs ay makakakuha ng ₱6,500.
Ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ay mamamahagi ng ₱1,200 cash subsidy sa delivery service riders, habang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mangunguna sa distribusyon ng ₱1,000 sa tricycle drivers.
Paliwanag ng LTFRB, ang halaga ng ayuda ay base sa kung magkano ang gas na nagagamit ng sasakyan.
Matatanggap ng mga driver at rider ang cash aid sa pamamagitan ng kanilang bank accounts, e-wallet accounts, o sa pamamagitan ng kanilang fuel subsidy card kung sila ang rehistradong benepisyaryo ng programa.
Ayon sa LTFRB, nasa 1.36 million transportation workers— kabilang ang operators ng jeepneys, UV Express, buses, minibuses, taxis, transportation network vehicle services, shuttle services, tourist transport services, school shuttle services, tricycle drivers, at delivery service riders—will ang mabibiyayaan ng ayuda sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.
Nitong Martes, Setyembre 12, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.20, diesel ng P0.40, at kerosene ng P0.20.
Ito na ang ika-9 sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng gasolina, at ika-10 na sunod para sa diesel at kerosene.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Setyembre 5, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P15.30 kada litro, diesel ng P10.70 at kerosene ng P7.74 kada litro.