GUIAO, NLEX NAGHIWALAY NG LANDAS

NAGHIWALAY na ng landas si Yeng Guiao at ang NLEX matapos ang limang seasons na partnership, ilang linggo na lamang bago ang pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup sa September 21.

“It was a mutual decision between the NLEX Road Warriors management and Coach Yeng Guiao to end the agreement,” pahayag ng NLEX management sa isang statement.

“We thank him for developing the team. In fact, we reached semis twice and this showed how he professionalized the team”

Sa ilalim ni Guiao, ang Road Warriors ay dalawang beses na nakarating sa semifinals at nasa playoffs sa huling tatlong conferences.

Isang seven-time PBA champion, hinubog ni Guiao ang mga player na naging miyembro ng Gilas Pilipinas national team, kabilang sina Kiefer Ravena, Kevin Alas at Calvin Oftana.

“We wish Coach Yeng all the best in his future endeavors,” dagdag ng NLEX management.