GUIAO PUMIRMA NG FIVE-YEAR EXTENSION SA RAIN OR SHINE

PUMIRMA si coach Yeng Guiao ng five-year deal sa Rain or Shine Elasto Painters sa PBA.

Sa kanilang official Facebook page ay inanunsiyo ng Elasto Painters na ang kontrata ni Guiao ay hanggang 2028.

Tinapos ng Rain or Shine ang kanilang Season 47 PBA Governors’ Cup stint na may 2-9 kartada.

Si Guiao ay bumalik sa Elasto Painters bago ang simula ng Commissioner’s Cup noong September.

Sa kanyang unang conference sa pagbabalik sa Rain or Shine ay dinala ng veteran mentor ang koponan sa quarterfinals ng midseason tournament bago sinibak ng Bay Area Dragons.