TAMPOK ang nakalipas na desisyon ng Supreme Court na nag-aatas sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na i-remit ang tamang halaga sa Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, kung saan mismong si main petitioner Yeng Guiao ang magiging special guest sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex ngayong Martes.
Tatalakayin ni Guiao, dating first district congressman ng Pampanga at kasalukuyang head coach ng Rain or Shine, ang mga benepisyo at epekto ng Supreme Court ruling sa Philippine sports sa pangkalahatan sa session na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga.
Samantala, magiging panauhin si running organizer Rio De la Cruz sa first half ng public sports program upang talakayin ang nalalapit na Manila Marathon.
Ang San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ArenaPlus, ang 24/7 sports app sa bansa, ang main backers ng Forum na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation.
Hinihikayat ni PSA President Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star, ang mga miyembro na dumalo sa session na ineere rin sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page Radyo Pilipinas 2 sports.