GUIDELINES PARA SA LIGTAS NA PAGGUNITA NG UNDAS

NAGPALABAS ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan para maging ligtas ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa lungsod ngayong taon.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bukas ang mga pribado o pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2022.

Aniya, upang maging maayos ang paggunita ng Undas, dapat sundin ang mga inilabas na patakaran ng pamahalaang lungsod kung saan ang mga bibisita sa sementeyo ay kailangan kumuha ng cemetery pass sa pamamagitan ng TEXT JRT 09088868578 at 09152601385. I-text ang pangalan, address, edad, petsa at araw kung saang sementeryo bibisita (public, catholic, immaculate garden).

Hintayin ang reply ng TEXT JRT para sa cemetery pass. Ang pass ay magagamit lamang ng tatlong tao alinsunod sa schedule na nakalagay. Ipakita ang cemetery pass at vaccination ID sa mga nakabantay sa sementeryo

May walong time slot ang pagbisita, 7am-9am, 9am-11am, 11am-1pm, 1pm-3pm, 3pm-5pm,5pm-7pm, 7pm-9pm at 9pm-11pm.

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng alak, matutulis na bagay, pagsusugal at maingay na musika at panatiliin ang tamang pag-suot ng face mask at physical distancing nang sa ganoon ay hindi na tumaas at patuloy na bumaba ang kaso ng covid 19 sa lungsod.

Pinaalalahanan din ang mga magpupunta sa sementeryo na huwag nang magsama ng mga bata at matatanda para matiyak ang kanilang kaligtasan at kalusugan. EVELYN GARCIA