GUIDELINES SA ALERT LEVEL SYSTEM SA COVID-19, INILABAS

INILABAS na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang guidelines para sa ipatutupad na alert level system simula Setyembre 16 sa National Capital Region.

Ang alert level system ay kapalit ng community quarantine status sa pagtatakda ng mga restriction.

Ito ay base sa kondisyon ng COVID-19 cases at estado ng health care utilization rate.

Ang alert Level 1 ay  kung kaunti ang kaso at pababa na ang CO­VID-19 transmission, at mababa rin ang total bed utilization rate at intensive care unit (ICU) utilization rate.

Sa level na ito bukod sa granular lockdown areas, lahat ng establisimyento at aktibidad ay maaaring mag-operate, at papayagan din ang full on-site, venue o seating capacity basta susunod sa minimum health standards.

Alert Level 2 naman ang ipatutupad sa lugar na  pababa na ang case transmission, at mababa pero tumataas ang health care, total bed, at ICU utilization rates.

Papayagan ang 50 porsiyento on-site, venue o seating capacity. Pero puwede pa ring taasan ng dagdag na 10 porsiyento kung may safety seal certification ang mga industriya, gaya ng indoor visitor o tourist attractions, libraries, museums, at iba pa.

Papayagan din ang  indoor entertainment venue gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, theaters, at sinehan.

Puwede rin ang indoor dine-in services sa mga restaurant at iba pang kainan, gayundin ang indoor sports courts or venues, fitness studios, gyms, spas at iba pang indoor leisure centers o facilities.

Sa  Alert Level 3 naman  kung saan mataas o tumataas ang kaso ng COVID-19 gayundin ang total bed at ICU utilization rate, babawasan sa 30 porsiyento ang mga puwedeng mag-operate sa Alert Level 2 areas.

Sa ilalim ng Level 3, bawal ang pagbubukas ng mga sinehan  at venues na may live performer, outdoor at indoor amusement parks o theme parks, funfairs o perya, at kid amusement industries

Alert Level 4 naman ang ipatutupad sa mga lugar na mataas at patuloy na tumataas ang COVID-19 case count, at itinuturing na “high” ang total bed at ICU utilization rate dito.

Sa ilalim ng Level 4, mas mahigpit ang mga industriya dahil nakapako lang sa 10 porsiyento ang papayagang indoor dine-in pero para lang sa mga fully vaccinated; habang 30 porsiyento naman sa outdoor o al-fresco dine-in pero puwede kahit sa mga hindi bakunado.

Hindi papayagan ang mga indoor visitor or tourist attraction, library, at iba pang indoor venue at entertainment venue.

Bawal din ang casinos, horse racing, cockfighting at ibang gaming establishments bukod sa mga nauna nang inaprubahan ng IATF o Office of the President.

Bawal din ang social events tulad ng concerts, parties, at wedding receptions, indoor sports courts o venues, fitness studios, gyms at spas, lahat ng uri ng contact sports bukod sa bubble-type setup, personal care services gaya ng beauty salons, beauty par-lors, gayundin ang specialized markets ng Department of Tourism tulad ng staycations.

Papayagan sa Alert Level 4 ang individual outdoor exercises, pero dapat sa lugar kung saan malapit ang tirahan.

Sa Alert Level 5 naman tutukuyin ang mga lugar na maituturing na alarming ang kaso ng COVID-19 at “critical” ang total bed at ICU utilization rate.

Sa lebel na ito, ipatutupad ang guidelines ng enhanced community quarantine (ECQ) status na nauna nang inaprubahan ng IATF. RIZA ZUNIGA

9 thoughts on “GUIDELINES SA ALERT LEVEL SYSTEM SA COVID-19, INILABAS”

  1. 167558 799200Hey there, I think your website might be having browser compatibility issues. When I look at your blog in Chrome, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, wonderful blog! 65410

  2. 766893 385712As I web-site possessor I believe the content material matter here is rattling fantastic , appreciate it for your efforts. You should keep it up forever! Greatest of luck. 472596

Comments are closed.