PABOR ang liderato Philippine National Police (PNP) sa plano ni Department Interior and Local Government Secretary Eduardo Año’s na lumikha ng tiyak guidelines para sa pre-campaign period activities.
Ito ay makaarang magkabuhol ang trapik sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila at ilang lalawigan bunsod ng inilululunsad na political rallies at motorcades o caravans.
Una nang iminungkahi ni Año sa Commission on Election (COMELEC) na magbigay sa PNP ng definite instructions kaugnay sa mga gagawing political rallies at caravans upang makaiwas sa anumang insidente gaya ng traffic congestion at overcrowding na posibleng maging super spreader event para lumaganap ang coronavirus.
Magugunitang umani rin ng pagtuligsa ang mga police maging ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at local traffic enforcers nang magmistulang inutil ang mga ito sa pagkontrol ng mga tao at mga sasakayang kasali sa motorcades na nag resulta para magkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko at maantala ang gawain ng libo libong tao.
Paliwanag ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang ilalabas na guidelines ang siyang magiging gabay ng mga pulis para tumugon at aksiyunan ang mga ipinagbabawal na gathering.
“The campaign period for both local and national candidates is still early next year and there have been caravans being done anywhere in the country. Yes, we can provide security but the outlined guidelines will prompt us to act on specific actions,” pag lilinaw pa ni PNP Chief General Carlos.
Aniya, dapat umanong maging malinaw sa mga awtoridad lalo nasa hanay ng pulisya kung anong mga aktibidad ang pinapayagan o mahigpit na ipinagbabawal. VERLIN RUIZ