GUIDELINES SA PANGHUHULI SA ANGKAS DRIVERS IKINAKASA NA

angkas

MAGPUPULONG anumang araw ngayon ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para gumawa ng guidelines kaugnay sa naging resolusyon ng Korte Suprema laban sa ride sharing app na Angkas.

Ito’y makaraang magkaroon ng kalituhan hinggil sa ginagawang panghuhuli sa mga gumagamit ng motorsiklo kung saan kabilang ang Angkas bilang violation o paglabag.

Ayon kay LTO o Land Transportation Office Law Enforcement Division Chief Francis Almora, dapat magkaroon ng isang kumpas ang pamahalaan hinggil sa kung ano ang dapat ipataw na parusa sa mga nagmomotorsiklo na pumapasada sa kalsada.

Sa panig naman ng PNP Highway Patrol Group, sinabi ni HPG Director C/Supt. Roberto Fajardo Jr na dapat malinaw sa ikakasa nilang guidelines ang depenisyon o kahulugan ng salitang Angkas para hindi ito magdulot ng kalituhan sa publiko. DWIZ 882

Comments are closed.