GUIDELINES SA PULIS VLOGGERS ILALABAS NG PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na maglalabas na sila ng mga guidelines para sa mga pulis na vlogger.

Sa pahayag ni PNP Directorate for Police Community Relations Director Major General Edgar Alan Okubo, wala pa sa ngayong pormal na policy ang PNP tungkol sa kanilang mga miyembro na aktibo sa social media bilang vlogger pero sinisimulan na ang pagbuo ng mga guideline.

Ayon kay Okubo, katatapos lang ng unang “Boot Camp” para sa mga PNP vlogger para maturuan sila ng tamang presentasyon sa mga ipinalalabas nila.

Aniya, mahalaga na ang kanilang “content” ay nakahanay sa misyon at bisyon ng PNP, at maipakita sa kanilang mga manonood ang kagandahan ng PNP.

Mayroon ng mga dating Police vlogger na nagkamali, at napangaralan na, upang masiguro na hindi malalabag ang mga patakaran ng PNP sa kanilang mga presentasyon.

Paalala naman ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga indibidwal na pulis na vlogger na iwasan ang pag-post ng hindi kagalang-galang na “content.”
EVELYN GARCIA